Life

“Hokage moves: Modus ng hari ng mga hambog”

Karaniwan sa mga kriminal ay may tinatawag na “modus“. Ito yung pattern na sinusunod nila sa lahat ng krimen na gagawin nila para mas maging organized at para nga naman hindi sila matimbog agad.

Sa usapang modus, magpapahuli ba naman ang hari ng mga hambog? Siyempre hindi. Paano ba niya nakayang pagsabay-sabayin ang tatlo o apat na babae sa iba’t ibang klaseng relasyon? Paano niya pinatagal ang laro na siya lang ang nakakaalam? Paano niya itinago ang bawat karakter sa isa’t isa para hindi magkabistuhan?

Curious rin ba kayo kung paano maglaro si Haring Hambog? Well, sige, iisa-isahin ko. Isapuso at itatak sa isip nyo mga girls, pag nag match ang kahit limang modus na ito sa actions ng lalaking dina-date o nanliligaw sa inyo. Tsk! Tsk! Baka  kaharap mo na ang hari ng mga hambog!

 

Modus 1.  “Babe ang itawag mo sa amin” !

-Eto yun eh, yung pinaka basic na “da moves” ng ating hari. Kasi nga naman pag tatlo o apat ang girlfriend mo, baka malito ka di ba? Baka matawag mong honey si darling, bhe si beb o kaya naman mahal si bebe. Kaya para maging safe at simple, eh di.. Tawagin mo silang lahat ng “BABE”.  Never mind na marami pang ibang terms of endearment sa mundo. Basta! Babe lang.  Stick lang tayo jan. Mahirap na baka mahuli pa!

Modus 2.  “Dual sim syndrome”

-Hangang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung BAKIT?! Bakit umuso ang dual sim sa Pilipinas?! Bakit kailangan dalawa ang sim card ng isang telepono?! Bakit? Paano? Hayy ewan. Basta ang alam ko kinailangan din ito ni haring Hambog.  Pero! Wag ka.. Kung normally, sabay na nakasalpak ang dalawang sim card sa phone, eh ibahin natin ang “da moves” ni haring hambog, siyempre yung kanya may twist, kaya nga siya naging hari. Yung version niya is wag na wag pagsabayin (Haha! Ironic no?) yung dalawang sim. Which means kung tatlo o apat ang girlfriend mo dapat apat din ang sim card mo. Pag palitpalitin mo na lang depende sa kung sino ang kasama mo. Bahala ka na. Basta wag mong pagsabayin! Baka biglang mag message si girlfriend 3 habang kasama mo si girlfriend 2, eh mahirap na di ba.

Modus 3.  “Facebook escapades”

-Sa panahon ngayon, usong-uso ang Facebook. Ginagamit ito as a form of communication ng mga magkakapamilya at magkakaibigan na malayo sa isa’t-isa or simply libangan lang ng iba. Pero! Ang Facebook para kay haring hambog ay parang dating site yan. Dito siya naghahanap ng panibagong mga biktima. Kung maganda si girl sa profile pic niya, sige go! Add as a friend agad at pag accepted na ang request, sisimulan na niya ang landian stage at pabebe moves niya. Siyempre kailangan gwapo din siya sa paningin ng iba, kaya post pa more ng mga pictures na labas ang abs (daw!) at mga selfie na pinaputi masyado ng mga filters. Yung tipong nakikipagsabayan siya sa ibang babae sa contest ng paramihan ng selfie sa loob ng isang araw na pino-post sa facebook. Wala eh, GGSS mode si hambog.

Modus 4. “Hide at untag status mode”

-Eh di ba nga akala ni haring hambog dating site ang Facebook, so ngayon kung ikaw ay isa sa mga “girlfriend” nya siyempre itatago nya lahat ng status at posts niya sa’yo. As in hide na hide, yung tipong kapitbahay nyo nga alam na may picture siyang pinost kasama ng babae niya pero ikaw, no clue ka. Tinatawanan ka na nila pero ikaw,no idea pa rin. Isa pa sa mga “da moves”  ng ating hari ay ang mag post ng pictures sa facebook na puro solo lang. Yung tipong kasama mo naman siyang kumain sa restaurant na yun o nagkape sa coffee shop na yun o nag bakasyon sa lugar na yun PERO wala kang mukha sa album nya! Siya lang at siya, wala kang bakas at ang matinde ay yung naka HIDE pa sa’yo. Oh di ba! San ka pa.

Modus 5. “Ikaw ang babaeng papakasalan ko” pick up line

-Normally, ang tunay na lalaki nangangako ng kasal sa iisang babae lang. Pero okay, I agree, may ibang lalaki na mahilig maglaro at mangako ng kasal sabay tatakbo rin pala kasama ng ibang babae nila. Pero sabi ko nga, ibahin natin ang modus ng ating bidang si haring hambog. Kung yung iba hindi nila kayang alukin ng kasal ang lahat ng babae or girlfriend nila, aba! Iba siya! Natatangi si haring hambog kasi lahat ng babae niya ay aalukin niya ng kasal sabay sabi na “ikaw ang gusto kong makasama habang buhay“. Which means, kung apat kayong girlfriend nya ngayon, apat din kayong inalok niya ng kasal! Oh di ba, haring hari lang, pati ang banal na matrimonyo ng kasal ginamit pang laruan.

Modus 6. “Take home all you can”

-Hindi ko alam sa iba, pero sa amin sa Baguio, ang pag-uwi sa bahay ng isang kasintahan para makilala ng iyong pamilya ay hindi biro. Most of the time, kung sino ang nakatuntong sa iyong tahanan ang siya mong papakasalan. Hindi ito biro lalo na sa mata ng mga nakakatanda o mga magulang. But again! Unique ang ating hari, wala siyang pakialam sa ganitong paniniwala. So ang gagawin niya, iuuwi niya lahat ng gf niya pero siyempre iba-ibang araw lang. Yung tipong one week apart para hindi halata (sigh!). Yung parang ginagawa niyang pasalubong sa pamilya niya yung mga babaeng inuuwi niya. Siguro nga may quota siya sa kung ilan dapat ang iuuwi niya sa isang buwan, yung tipong kahit mga kapitbahay nila eh nalito na rin sa bilang ng babaeng kasama niya. Ganun! And since lahat nga eh napangakuhan ng kasal, siyempre yun din ang topic pag kausap na yung parents niya. Detalye, saan at kailan pinag-uusapan din. Hindi ko nga rin maintindihan kung hindi ba nalito yung mga magulang o kapatid ni hari, hindi rin sila nagtaka kung bakit paiba-iba yung dapat papakasalan niya. (Eh ako nga nalilito na habang isinusulat ito eh!) 

Modus 7. “Show them off to different crowds”

-Eto pa ang isa sa mga basic na modus ng ating dakilang hari. Hindi mo nga naman kasi maiiwasan na baka may mag sumbong o magsalita. So, para maiwasan yan, ang solusyon niya ay ang ipakilala ang kanyang mga dilag sa iba’t ibang group of friends. Si gf 1 ipapakilala sa college friends, si gf 2 sa mga kababata, si gf 3 sa mga pinsan at ka trabaho at si gf 4 since siya ang pinaka bago,kumbaga bagong flavor of the month, siya ang ilalagay sa facebook niya para makita ng lahat. (Pero wag kalimutang i hide ang picture kay gf 1, 2 and 3, hmmm mahirap na wink! Wink!).  Oh diba, organized dapat para maganda ang laro. Clap! Clap! Para kay hari!

Modus 8.  “Location is very important”

-Siguro pag dating sa location, dun na nagsayang ng brain cells ang ating hari. Kasi nga naman kung galing sa iba’t ibang parte ng Pilipinas yung mga babae nya, eh di nahirapan siya diba? So, ang solusyon is to make sure na ang apat na gf nya ay galing sa iisang lugar. To be more specific, dapat mga taga Baguio lang at Canada. Lalo na pag halos sabay pang umuwi sa Baguio yung mga taga Canada, eh di super accesible lang. Pag kinailangan nya nga ano….mamimili na lang siya di ba! Another clap! Clap! Clap! Para sa sa hari. (Tinalo pa nga mga asong ulol na nagkalat sa daan)

Modus 9.  “Scheduling is a must”

-How can someone keep up sa apat na babae? Well, ang solusyon ni haring hambog ay … “schedule”! Tama! Dapat maganda ang scheduling. Siguro nga may planner pa siya kasi nga baka rin malito siya. That’s a big no no sa ating bida, dapat organize. Paano ba nag wo-work ang scheduling niya? Simple lang, i me-meet si gf 3 ng lunch, mga ilang oras din to spend “quality time” then after ihatid sa taxi, si gf 4 naman ang kikitain niya for dinner. Ang matindi, same place pa, para nga naman tipid ulit sa pamasahe kasi andun na siya eh. Never mind na natatandaan siya ng mga waitress or waiters na may kasamang iba kanina. Walang pakialamanan ng trip nga ang peg ni manong hambog di ba.

Modus 10.  “Lie pa more

-Obviously, hindi naman mawawala ang kasinungalingan sa mga taong hambog, lalong lalo na siyempre sa kanilang hari. So, pag once na nagkahulian na siyempre papaliguan nya ng kasinungalingan ang mga gf nya. Kunyari, nahuli ni gf 2 ang tungkol kay gf 3 ano nga ba ang pinaka magandang lusot? “Third cousin ko siya” yun ang sabi niya! Pinsan niya daw si gf 3. Galing ng palusot diba? Bagong bago. Paano naman kung nalaman ni gf 3 ang tungkol kay gf 4? “Tinulungan ko lang yun sa pag a-apply (trabaho) kaya magkasama kami”  Naks! Makapag kawang gawa naman ngayon ang peg ng loko. Galing! Meron pa, so nag Palawan si gf 1 at si hambog, paano niya ngayon ipapaliwanag  sa iba na mawawala siya ng ilang araw? Simple, wag sasabihin kung saan talaga ang lugar na pupuntahan. Mag-imbento ng kwento, sabihin na sa Subic ang lakad. Di ba, hindi nga naman obvious ang pagkakaiba ng scenery sa Palawan at Subic. (tsk tsk tsk! Very well travelled “daw” kasi).  Pero ang pinakamatindi sa lahat ay iyong trip na ginamit niya ang nanay niyang rason kay gf 1 para ma meet si gf 2. “Uuwi muna ako sa bahay, ipagluluto at imamasahe ko si mama” ang sabi. Yun pala, iba na ang minasahe! Actually, marami pa. Kaso baka humaba na ng humaba to so eto na lang muna.

Modus 11. “All done so siraan and sisihan mode na”

-Gusto ko lang sanang gawing sampu ito, kaso hindi ko pwedeng iwan ang modus na ito. Eto yung siraan at sisihan part. Yung pag nagsawa na siya imbes na makonsiyensa eh gagawin pang katatawanan ang mga babae niya. Tatawagin ng iba’t-ibang pangalan, pipintasan, sisiraan at pagtatawanan para lang masabi ng iba na siya ang tama, ang bida  at ang ka-awa-awa. Ni hindi niya naisip na kahit man lang sana sa huli ay mabigyan niya ng respeto ang mga taong ginago niya. Kaya, wag maniwala sa bunganga ni haring hambog. Hambog nga di ba? So wala sa utak niya ang magsabi ng katotohanan. Ang matindi, magsasabi ng huling paalam si hambog. Imbes na simpleng sorry lang, iiwan pa sa kanila ang sisi. Kesyo naghanap daw siya ng iba kasi hindi daw match ang ugali nila or “iba kasi ang ugali ni gf 3 kaya iniwan ko siya” ang kanyang sinasabi. Eh di wow! Ikaw na ang banal, ikaw na ang walang kapintasan, ikaw na nga ang nanloko nagawa mo pang manlait. Joker din ang ating hari eh talo pa ang babae kung man tsismis! (Tsk tsk tsk)

 

So, there you go. Eto na ang summary ng mga galawang hokage ni haring hambog. Kulang pa nga ito kaso napagod na ako sa kasusulat. Halos hindi ko na rin matapos sa kakatawa sa mga kakaibang modus na ito. (LOL!)

 

 

❤❤❤???

Arlene Kischaen Aboli ♡♡♡

No Comments

Share your thoughts